Thursday, December 9, 2010

Si Kuya Cutie at ang Pregnancy Test



Habang pauwi ako kanina galing sa office namin sa Makati, nakita ko sa BK ang dati ko workmate at ang boss namin, nagulat ako I didn't expect na makita ko sila sa glorietta, ewan ko ba may halong pag iwas ang naramdaman ko kanina kaya't tuloy tuloy ako sa paglakad hanggang tinawag ako ni Kuya Tristan! Super nag effort talaga siya sumigaw ng
"John Lloyd" (it's my real name) kaya ayun katapos tapusan bumalik ako at naupo sa tabi nila at nakipagkwentuhan saglit.

Pumayat daw ako sobra sabi ng boss namin! Sabi ko naman boss

I'm on a diet. Samahan mo pa ng Stress Stress and Stress! 10 lb. ang na loose ko in a month?! Kaya't pati mga dokita ko napansin na pumayat ako.

Pero nasaan na ang about kay Kuya Cutie at ang Preggie Test?

Habang palabas ako ng SM Makati, dumaan ako sa Watson para bumili ng Nasal Spray ko na kalaban na brand ng Nasal Spray ng counterpart ko (lagot ako sa kanya dahil di ko tingangkilik ang sariling amin haha) for my Allergic Rhino-Sinusitis! Sakit na naman sa bulsa almost 800 ang isang bote.

Kasabay ko na dito si Kuya Cutie maputi siya, matangkad at mukhang masarap lol!!!
(Akala ko beks din si kuya!)

Pero laking gulat ko ng hawakan niya ang preg test at sinabing

Kuya Cutie:"Ms. alin ba ang mas accurate dito?"

Sabi ng Asst.Pharmacist na babae "sir try niyo po ung isa mas clear ang result".

Sabi naman ng Asst.Pharmacist na lalaki "pasensya na sir hindi ko kayo matutulungan diyan". (sabay ngiti parang nang iinis)

Kuya Cutie: Oo nga kasi nagamit na namin to hindi clear ung result?

Sa isip isip ko kung hindi clear kuya why not consult an OB-GYN para ma check ang GF kung jontis o hindi db???

Nag over analyze na naman ako ng kanilang sitwasyon. Pero hinayaan ko na lang. Sabay labas ng SM at sakay ng bus sa Ayala papunta Baclaran :)

9 comments:

  1. Balik ulit ako bukas sa Makati.

    Sino kaya ulit ang makita ko?

    At ano ang aking ikwento?

    ABANGAN...

    ReplyDelete
  2. I was 14 when i bought my first pregnancy test. ano kaya inisip ng mga kasabay ko saken? i was in my h.s. uniform pa..

    ReplyDelete
  3. Haha, fail ba ang pag-spy mo kay Kuya? nakabuntis pala.

    ReplyDelete
  4. dapat sinabi mo kay kuya: oist, saken di mo na kakailanganing bumili nyan.hehehe. biro lang ah
    .
    .
    parang gusto ko din magtry bumili ng pregnancy test. hmmnn. later probably...

    ReplyDelete
  5. @ nielz oh di nga? haha! napakabata mo naman kanino mo ginamit lol?

    @ Will yes bigla bumaba ang spymeter ko nung nagtanung sya about preggy kit hihi!

    @ DB PAK! palo palo na naman comment mo love it! kaloka ka. Keep it up hihi! Bili ka later balitaan mo ko sa result haha :)

    ReplyDelete
  6. im sure unwanted pregnancy yun di pa kaya sabihin sa parents ng girl or sa parents niya

    ReplyDelete
  7. ako di ko na kailangang bumili ng PT before, dahil dito sa clinic namin meron nun at kasundo ko naman MedTech namin kaya nakakuha ako ng libre pero patago nyahahaha.

    ReplyDelete
  8. wahahah wag ganun... baka naman may exam sila sa laboratory kaya ganun hehehe :D

    ReplyDelete
  9. @ hard yes siguro nga kaya takot mag pa check up at mabuking na buntis.

    @ zeb ur a nurse too ryt? ayos yan hihi!

    @ axl natawa ko dun sa exam o baka may exam sila ng jowa niya lol.

    ReplyDelete