Sunday, December 26, 2010
The Feast of the Holy Family
FYI:Today is The Feast of the Holy Family celebrates the family unit and the Holy Family: Jesus, Mary, and Joseph. The feast usually falls on the Sunday after Christmas. If Christmas is a Sunday, then the feast is celebrated on December 30th. In 2010, the feast falls on December 26.
So today nagsimba ulit ako to seek again for our Lord guidance and forgiveness. All by myself eksena ko wala kasi si sister at mudra nagbakasyon kina tita. Nakatuwa kasi pag 4pm ang mass mga bata ang commentator. Grade school students. Childrens mass kasi ako usually nasimba. Feeling bata lang hihi.
At medyo nostalgic ang feeling ko pag nakita ko ang mga bata na nagbasa sa harapan dahil ako mismo noong grade 6 ako ay tumayo din ako sa harapan ng simbahan at gumanap din bilang commentator how i wish hanggang ngayon nagawa ko un :(
Sabi pagbasa:
Mga Babae: magpasakop kayo sa inyong mga asawa.
Mga Lalaki: Mahalin ninyo, igalang at pahalagahan ang inyong asawa at wag na wag niyo saktan.
Mga Anak: Sundin ninyo ang bawat payo ng inyong magulang dahil ito ang tama at ang nararapat para sa inyong ikabubuti.
Dumako naman tayo sa Homily ni Fr.Mendoza:
Umiikot ang sermon niya about sa pamilya syempre.
1.Sa mga bata: Kaylangan sila turuan ng magandang asal at pag uugali habang bata. Lalo lalo na sa simbahan sinasalamin ang mga asal nila kung panu sila pinalaki ng kanilang magulang.
Halimbawa: Sa simbahan, hindi ito playground at kainan. Dahil nga napapansin din ni Father na madalas may mga nagtakbuhan na mga bata sigaw dito sigaw doon naka distract nga naman. at hindi rin dapat gawin kainan ang simbahan dahil marami ang nagkalat.
2.Sa mga magulang: Kailangan sila pahalagahan bigyan ng importansya at mahalin ng sobra lalo na kapag sila ay tumanda na. Dito siya nag focus ng matagal tagal.
Situation No. 1: Minsan nakapag blessing siya sa isang bahay ng hindi niya kakilala. Maliit lang daw ang bahay pero may karugtung ito na parang kulungan, maliit lang ang pwesto may maliit na bintana my electric fan man sobrang init naman. At may nakita siyang babae doon. Tinanung niya ang may ari ng bahay
FR:sino iyon?
Ang sagot sa kanya:
Nanay ko po father nakahiya kasi sa aking asawa ulyanin na si Inay at nagkalat na ng dumi. Kayat doon na lang muna namin siya nilagay.
Sobra nakalungkot ang storya iyon ni father at totoong kahabag habag ang sinapit ng matanda. Pagkatapos pag namatay ito maglupasay kayo at bigyan niyo ng magandang kabaong, maraming bulaklak at magarang libing.
Drama lang daw ang lahat ng iyon pakita tao dahil kung nagawa mo ng mabuti ang responsibilidad mo bilang anak ay maiiyak ka pa rin pero hindi na ganun katindi dahil alam mo sa sarili mo na napaglingkuran mo ang iyong magulang habang sila ay nabubuhay pa. May point nga naman si Father
Situation No.2:
Ang pag pepetisyon ng mga anak na nasa ibang bansa sa kanilang mga magulang na nanahimik sa Pinas, siyempre nga naman mahal ang magkatulong lalo lalo na sa Amerika at Europa kaya't ang mga anak hetot alukin ang ina at ama na i petisyon upang matamasa ang maginhawa buhay sa abroad. Pero gagawin lamang pala yaya at yayo ng kanilang mga anak, Syempre libre hindi nila kailangan pasahuran at walang day off. At talaga naman may pagmamalasakit dahil kadugo nila ang kanilang aalagaan.
Pero pagkatapos magsilbi sa kanila kapag mahina na ay anu ang gagawin nila? Ipapdala ang mga magulang sa home for the aged or retirement house? Dahil alam niyo naman ang culture sa ibang bansa diba hindi pwede iwanan ang matanda sa bahay lalo lalo na kung may sakit ang mga ito.
Nakakalungkot tlaga isipin ang mga kwento ni Father kanina.
Ilan lamang yan sa highlight ng kanyang sermon. Lalo ko tuloy naramdaman ang kahalagahan ng ating mga magulang sa ating buhay. Aaminin ko na kung minsan ay nagsinungaling ako, nasagot ko ang aking ina sa mataas na boses pero kung tatanda man siya ay hindi hindi ko siya pababayaan. Halos maiyak ako kanina sa pagtatapos ng sermon ni Father :'(
Sabi ko sa sarili ko kung darating man ang panahon na tanda ang aking ina hindi hindi ko siya pabayaan at ako mismo ang mag aalaga sa kanya habang siya ay nabubuhay.
I love my mom so much!
Sa lahat ng makakabasa sana ay kayo din wag na wag ninyo pabayaan ang inyong mga magulang.
Salamat!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment