Monday, December 20, 2010

The Gift



Im here again dahil nagloko ang isang blog ko dito na lang muna ako mag share ng mga storya ko. Yesterday I went to my friend's house sa Cavite ex-officemate ko siya and she's a girl. Sobra ang bonding namin ng girl na to kahit na lately lang kami nagkakilala pero parang years na kami magkasama.

"Mama" ang tawag ko sa kanya,endearment namin sa beckz pharma(grupo ng mga bi gays at mga babaeng bading during our training) na ako ang unang tumawag sa kanila at na adapt din naman ng mga loko. Mahilig kasi ako mag imbento ng mga alyas at bumebenta din naman kahit panu hihi!

Medyo malayo ang area niya La Union up up and away sa Norte ang lola mo pero bilib ako sa kanya galing mag drive ng mo experienced rep na kasi. Inggit tuloy ako kasi i need to practice more para by next year my kotse na rin ako(HOPING to pass the drive test)kinakabahan na ko ngayon pa lang.

Kahapon lang ulit kami nagkita kasi once a month lang din siya nauwi sa Cavite and kung minsan pagod na rin kaya di na nakagimik. So we decided na lang to meet sa house nila together with the other Mama girl din.

Kumain kami ng lunch at nagkwentuhan habang hintay ang isa naming friend. Kulang talaga ang isang araw para sa mga magkakaibigan hindi nagkita ng matagal. At dumating na ang isang friend namin more kwento more fun ulit!

Hanggang sa mag 3PM na kaylangan ko na umalis para umaabot sa lecture ko ng Defensive Driving sa A1. Niloko ko pa sila sabi ko ako muna mag drive hanggang sa labasan ang tapang mode. More practice pa ang sabi ni Mama!

At nagulat na ako nung pababa ako sa kotse niya may inabot siya paper bag sken sabi ko Oh wat's that? Sabi niya just a small present Mama kasi baka matagalan ulit ang pagkita natin.

Sobra na touch naman ako kasi kauna unahang gift ko to this Christmas! At galing pa ito sa unexpected person. Kaya naman muntik na ko maiyak hihi joke! Happy lang ako sa nareceived ko yesterday. Mababaw lang po ang kaligayahan ko mga ka blogger hihi!

No comments:

Post a Comment