Monday, December 13, 2010

Reckless Driver na EMO pa!



Panu ba naman to nasakyan ko si Manong Driver pagsakay na pagsakay ko pa lang eh amoy alak na!

Nag decide nga ako maupo sa unahan para relax at hindi masikip tama tama mag isa lang ako dahil tama lang para sa isa ang upuan sa unuhan, kaya't medyo natuwa ako sa pwesto pero hindi sa driver!

Ang nakagulat pa ay may baso si manong na may lamang alak? not sure eh! pero sa amoy pa lang alak un mukha kasi extra joss! Pero sure ako alak nga un!

Ang dami niya hard feelings sa ibang driver sa terminal pati na rin sa dispatcher! Lalo na nung malaman niya na 7 ang sakay niya na baba sa malapit lang na lugar imbes na 60 eh 50 lang ang ibayad ng mga ito ( may point siya kahit panu )

So sakin niya lahat sinabi ng mga sentimiento niya, natakot ako nung umaandar na kami dahil sobra magmaneho si manong parang walang sakay na pasahero!

Sa isip isip ko gusto ko sabihin sa kanya "Manong gusto ko pa mabuhay"!

Pls slow down!!!

Pero hindi ko ito nasabi kundi ang bata nasa likuran ko ang sumigaw ng

"DAHAN-DAHAN naman"! as in super natawa ang magulang ng madaldal na bata pati si Manong na senglot eh natawa din!

Sabi niya sa bata sorry naman siya sige aking babagalan.! Sa isip isip ko lang manong mahiya ka sa bata lol.

Hanggang sa papalapit kami na papalapit sa bababaan ay parang nakikipag race si manong kay kamatayan at challenge pa ang kasabay na Ambulance! Iba ka manong umaabot ang takbo namin ng 80-100km/hr! Muntik na ata umabot ng 120!

Umabot pa sa point na nasubsub ung dalawang mag asawa sa likuran ko sa ginawang pag preno ni manong! buntis pa si ate at pagbaba nito ay pinagalitan ang matanda driver!

"sa susunod mag dahan dahan naman kayo sa pagmamaneho"

I agree with u precisely ate! PAK!

Nakarating naman kami ng safe and sound sa terminal. Ayoko na ulit sumakay sa driver na lasing at emo!

6 comments:

  1. wahahaha dapat sinumbong mo sa dispatcher... :)

    ReplyDelete
  2. galit na galit din siya dun sa dispatcher! naku heavy drama talaga ang ipinakita niya kanina!

    ReplyDelete
  3. langyang driver yan.. sana sinumbong mo ahahaha.. hirap na.. kayo nakarating ng safe, eh pano ang ibang sasakay diba? tsk tsk...

    ReplyDelete
  4. dapat ireport yan sa mayari ng sasakayan or else nasa huli ang pagsisi.

    idiot yang driver na yan sa oras ng trabaho uminom dapat yan tangalin

    ReplyDelete
  5. @ Istambay dapat nga malaman un ng mga nasa association nila! yaan mo at aking isangguni :)

    @ hard oo nga eh kaso siya ata may ari ng minamaneho niya sasakyan. Higpit na kapit ko sa hawakan kasi baka bigla may mangyari.

    Masama wala pa seatbelt sa unahan tsk tsk!

    ReplyDelete