Saturday, December 4, 2010

IsKoLaRs Obsession



Ang post na ito ay tungkol naman sa aking mga nakaraang pag-ibig.

Pero bakit IsKoLaRs Obsession ang pamagat? Later on you will find out.

Isa sa mga quality ng partner na hinahanap ko ay mga may pinagaralan o mga professionals na.

No.9 na siya sa post ko na inyong mabasa sa aking post na Who is Pluripotent Nurse?
http://socialstigma.blogspot.com/2010/11/who-is-pluripotent-nurse.html

Nagsimula ang aking obsession nang makilala ko si:

1.)J.G (UPLB-BS Biology)

Siya ang first partner ko na graduate ng UP, originally from Sorsogon but now he is residing in Montalbon,Rizal. He is 27 y/o first time ko din magkaroon ng relationship na older sken.

Profession: Medical Transcriptionist

Long distance relationship ang eksena namin nito every weekend after work lang kami nagkita pero okay lang kasi may sarili siya bahay na inuupahan kaya madalas mag isa lang siya at doon ako nauwi pag saturday and sunday. Wala ako naging problema sa kanya super faithful at wala arte sa katawan napakilala ko din siya sa amin ng minsan magbakasyon siya dito.

Pero sadyang hindi kami ang para sa isa't isa 3 months lang nagtagal ang relationship namin. Masyado kasi ako demanding at papansin kaya ang matanda naasar at nakipagbreak ng ganun ganun na lang.

2.)J.G (UPLB-BS Biology)

Marami sila similarities mapansin mo sa initials pa lang JG din. Nagkataon lang ata. Graduate din siya sa UPLB at BS Bio din ang course Major in Plant Systematics and Taxonomy,Member ng UP Cell at Cum Laude pa! na mas nagdulot sakin ng paghanga sa kanya. He is 21 y/o. di tulad ng una na long distance parehas ko taga Cavite lang din siya.

Profession:Product Specialist

Masyado akong naging obsessed sa kanya sa sobrang katalinuhan haha... Ewan ko ba mayroon ako tendency na maging addict sa mga graduate ng UP ang dali ko mahulog at ma-attach sa kanila. Ginayuma ata ako ng UP hihi...

Ang naging problema ko lang sa kanya masyado siya naging perfectionist at dumating sa point na gusto niya lagi siya tama. He will not accept his own fault. In short sobra taas ng pride at ego niya. Super effort ako sa kanya dahil hindi ako nagkulang lahat binigay ko at hindi ako nagsisisi na binigay ko ang almost 90% ko sa kanya. I gave my all ang eksena ko.

ay ang pinaka latest at panghuli obsession ko ay recently lang pero hindi naging kami MU lang.

3.) F.O ( UPD-Public Administration)

this time naiba ng konti ang course. Same age with me 22 y/o din ata siya?Takot siya kasi first time niya ata makipag relasyon sa katulad niya kaya medyo nahirapan ako dito. Gusto ko siya dahil mabait at matalino din.

Profession: Supervisor sa BPO

Once lang kami nagkita nung nagpunta ko Trinoma to meet him. After that hindi na nasundan eh. Ako na rin ang lumayo. Nag start na kasi ang marami problema sa work kaya ayun I'd rather focus on work than to pursue my love life.

At dito na muna nagtapos ang obsession ko sa mga IsKoLaR ng Bayan.

Kaw ba graduate ka ba sa UP?

Feel free to comment, suggest or if you have violent reactions? okay lang din your welcome hihi!:)

photo courtesy of http://shirtsavenue.multiply.com

No comments:

Post a Comment