Wednesday, December 8, 2010

Sakit sa Puso sa Isip at sa Bulsa!



bakit masakit sa puso?

-dahil single ako at wala ako mapagsabihan ng problema ko sa oras na kailangan ko ng kausap!

bakit masakit sa isip?

-dahil stress na stress ako sa work! at napapalapit na ang resignation ko (Friday na!)

bakit masakit sa bulsa?

-Kasi nawalan ako ng cellphone at mas masakit pa Company phone ang nawala. Ibig sabihin hindi ko ito pagmamay-ari at kailangan ko ito palitan upon resignation!

Kapag minamalas ka nga naman. Mag resign ka na at lahat mawalan ka pa ng company phone! Pero nandyan na yan sa sobrang careless at wala sa sarili that night ayun ang kapalit.

Brand new Nokia C3 na i surrender ko sa company! 5,700 ang bili ko dito pinakamura sa lahat ng napagtanungan ko. 14th month pay ko pang regalo ko na sana sa sarili ko nawala pa at napunta sa iba hay!

Kaya kung mapapansin mo ang isang box ay wala laman na cellphone. That's life! Swerte ng nakakuha ng cellphone ko papasko ko na sayo yan!

I know you!(kaw tricycle driver na nasakyan ko that night-hindi na ko sasakay sayo kahit kelan)


this post is related to my previous post
http://socialstigma.blogspot.com/2010/11/total-lost.html

10 comments:

  1. ang isipin mo n lng nakatulong ka...

    anyway... marami pa darating ng blessing mas marami...

    smile n lng lagi

    ReplyDelete
  2. tsk tsk. wag ka na masyado magpakastress.
    .
    .
    ;)

    ReplyDelete
  3. @ likha thank u so much sa concern! Sumagi na rin un sa isip ko na kunwari nakatulong ako sa nangangailangan.

    @ Desole Boy thanks don't worry i'l be ok soon :)

    ReplyDelete
  4. sakit nga sa bulsa yan pre. tsk tsk...

    ReplyDelete
  5. sana naghanap ka ng 2nd hand na same ang brand at model

    yung cellphone na bigay sa kin ng company ko ay yung pipichugin at mumurahin na cellphone kaya wala magkakainterest nakawin yun hihihihi

    ReplyDelete
  6. naku,, isipin mu n lang may naghihintay yan na kapalit...

    ^_^

    ReplyDelete
  7. ok lang yan, pag may nawawala may bumabalik na panibago, mas maganda pa :)

    ReplyDelete
  8. ayos lang yan kahit single. anjan ang friends. inoooooom!!!

    ReplyDelete
  9. "dahil stress na stress ako sa work! at napapalapit na ang resignation ko (Friday na!)"

    tuloy na ba ito pare! awts!

    ReplyDelete
  10. @ Istambay yes sinabi mo pa huhu :'(

    @ Hard un din ang plan ko sana kaso wala na ko time maghanap toxic pa ko ng boss ko kaya napabili ako agad tsk tsk!

    @ Ceiboh thanks much magdilang anghel ka sana :)

    @ Hartless Chiq mukhang meron nga palit na bago hihi at mas maganda pa.

    @ Ex Jason yes thankful ako sa mga babae sa buhay ko they love me a lot :)

    @ Zeb opo bukas na ko mag exit interview sa office :(

    ReplyDelete