Monday, December 27, 2010

Ben 10


Share ko lang kanina feeling bata ako kasi nag attend ako ng childrens party ni Tim. Nephew ng officemate since malakas saken ung friend ko gora ako kahit malayo.

Sakto lang ang pagdating ko ka start lang ng program i thought I was uber late kasi 1PM sabi ni Mama, pero 3PM na ata ako nakarating so go lang with the flow.

Masarap ang mga food. Kaso siyempre watch out for my diet na naman ako so sapat lang ang aking kinain.

Konti lang nag attend na mga bata kaya ang sangkatutak na give aways at premyo sa mga games eh napunta lang siguro more or less 15 na bata. May mga choosy pa na ayaw sumali.

Pati matanda kasali din sa games. Nanay, Tata, Tita, Tito, Lola at Lolo. Go!

At bukod kay Tim bida sa Birthday si Ben 1o.

Ang TARPAULIN...

Ang CAKE...

Ang GIVEAWAYS...

BEN 10!

Sikat na Sikat siya sa mga children. Di ko siya napanood sa TV pero anu meron siya at humaling na humaling ang mga batang hombre sa kanya?

Pati ako napahingi na rin ng giveaway para ibigay sa pamangkin ko mahilig kay BEN 10.

Kanina lang ulit ako naka attend ng childrens party and nag enjoy naman ako sa pamumuno ng MAJUBIZ na host ng party hihi!:)

4 comments:

  1. yun oh naki bata din.. nice, buti na nga lang may pamangkin akong bata kahit papano updated sa mga kids stuff nyahaha. :)

    ReplyDelete
  2. @ zeb kahapon lang talaga ako ulit naka attend ng ganun party hihi! Napaglipasan na ko panahon :)

    ReplyDelete
  3. si ben 10 yung nagiging alien. hehehehe... maganda yung palabas na yun. minsan masaya rin maging child at heart. lol.

    ReplyDelete
  4. @ nielz updated ah hihi! mukhang nanood :)

    ReplyDelete