Monday, November 22, 2010

Si Adan at Eva laban sa HPV


Anu nga ba ang HPV?

Ang ibig sabihin ng HPV ay Human Papilloma Virus.

*Tinatayang may mahigit sa 100 HPV types.

*30-40 HPV types ang nag infect ng anogenital tract

*15-20 HPV types ay high risk types o tinatawag din oncogenic types (cancer-causing)

*10-15 HPV types ay low risk types o tinatawag din non-oncogenic types

Paano ba maiiwasan ang HPV?

Maiiwasan ito sa pamamagitan ng maraming paraan tulad ng paggamit ng condom, abstinence o di pakikipagtalik, pagiging tapat sa partner o monogamous relationship at ang pinaka sikat sa lahat ang pagpapabakuna laban sa HPV.

Anu bakuna laban sa HPV?

Sa ngayon 2 bakuna laban sa HPV ang meron sa Pilipinas ito ay ang GARDASIL (MSD) at CERVARIX (GSK).

Anu ang pagkakaiba ng 2 bakuna?

1.GARDASIL-kauna-unahang bakuna laban sa HPV infections ito ay may 4 na strains HPV 6/11/16/18 na tumutulong ma protektahan ang sinuman sa pagkakaroon ng Cervical Cancer,Vulvar Cancer, Vaginal Cancer, Genital Warts sa babae at Anal Cancer, Penile Cancer at Genital Warts sa Lalaki.

2.CERVARIX-pangalawa bakuna na inilabas sa ating bansa ito ay may 2 strains HPV 16/18 na tumutulong naman sa pag protekta laban sa Cervical Cancer lamang.

Sino ang pwede magpabakuna laban sa HPV?

Babae- 9-45 years old
Lalaki- 9-26 years old naman*

*Magtaka ka kung bakit kasama ang lalaki? Oo nung isang taon lang na approbahan ng BFAD ang indikasyon na ito sa Pilipinas. At isa tayo sa 3 bansa na may indikasyon para sa lalaki nauna sa US.

-Paalala GARDASIL lang ang HPV Vaccine na pwede ibigay para sa lalaki.

Para sa karagdagang impormasyon o katanungan laban sa HPV mangyari lamang na kumonsulta sa iyong doctor.

No comments:

Post a Comment