Saturday, November 27, 2010
Oedipus Complex
BABALA! Ang Post na ito ay all about feelings and drama sa aking buhay!
Bata bata panu ka ginawa?!
Lumaki ako na nasa ibang bansa ang aking tatay, bata pa lang ako nag abroad na siya kaya ang naiwan na kasama ko sa bahay ang ate ko at ang aking mahal na ina, masasabi ko sa paglipas ng panahon ay naging mailap ang pakikitungo ko sa aking ama dahil na rin siguro hindi ko sya nakakasama, kulang ang pagsubaybay na ginagawa niya na pinupunan naman ng sobra ng aking ina.
Hanggang sa lumaki ako na hindi sya kapiling natutunan ko na lang na maging dependent sa aking ina, sya itong laging nagpapa-alala sa akin ng tama at mali, gumagabay sa mga dapat gawin sa buhay at patuloy na nag alaga nagmamahal ng sobra sa akin kaya siguro halos maging Mama's Boy na ako, bunso rin kasi ako kaya hindi un maiiwasan dalawa lang kasi kami ng Ate ko.
Napagtapos naman niya kami ni Ate sa kolehiyo,kaya nagpasalamat ako sa kanya kahit papaano naging ama siya sa amin, pero anu nga ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya sa ngayon? Galit? Sama ng Loob? o Poot?
Bakit?
Sagot!
Sumakabilang-bahay kasi siya in short may babae siya sa ibang bansa lalo nadagdagan ang inis ang galit na naramdaman ko sa kanya. Kung naging maayos lang siguro siya sa desisyon nya sa buhay marahil ngayon ay nag-aaral pa rin ako ng Medisina.
Pinangarap ko talaga maging doctor pero mukhang hindi na matuloy dahil sa babaeng un na sumira ng pamilya namin.
Anu nga ba ang Oedipus Complex?
(Paumanhin ngunit ito ay naksulat sa English mahirap kasi tagalugin hihi)
-Freudian term,drawn from the myth of Oedipus, designating attraction on the part of the child toward the parent of the opposite sex and rivalry and hostility toward the parent of its own. It occurs during the phallic stage of the psycho-sexual development of the personality, approximately years three to five.
-Resolution of the Oedipus complex is believed to occur by identification with the parent of the same sex and by the renunciation of sexual interest in the parent of the opposite sex. Freud considered this complex the cornerstone of the superego and the nucleus of all human relationships.
From: Columbia Encyclopedia.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
hello. salamat sa iyong pagbisita. binisita rin kita at na-engross ako sa pagbabasa. follower mo na rin ako. ingat always. :)
ReplyDeletehi aris salamat din sa pagbisita hihi.looking forward to read more about your stories.Ingat din!:)
ReplyDelete