Tuesday, November 30, 2010

"Hide and Seek"



Tagu-taguan at habol habulan... Ilan sa mga larong nakasanayan natin noong mga bata pa tayo.

Speaking of bata! Ang ikwento ko ay aktwal na nangyari sa loob ng isang mall sa Cavite.

Tapos na ang aking business sa nasabing mall at pauwi n rin ng mga oras na yun. Syempre nakagawian ko mag CR muna bago umuwi dahil halos isang oras din byahe ko mula sa mall na un pauwi sa amin. Ang CR na binabanggit ko ay nasa 4F ng mall kung saan nandun ang Movie House.

Ang typical na set up ng CR sa lalaki my cubicle at urinals, hindi ako naihi sa urinals ewan ko ba kung bakit pero psychological ang epekto saken hindi ako mapaihi lalo na kung marami tao (takot masilipan? lol...) at lalo na kung maingay. Mabalik tayo sa set up ng sinasabi ko CR, sa cubicle ako umiihi para my privacy kaya doon din nakatoon ang paningin ko,at laki gulat ko ng makita ko na may...

4 na paa ang nagsisiksikan sa loob ng unang cubicle kaya't nagtaka ako, tinanung ko ang sarili ko anu meron sa loob? tama tama nabakante ang katabi cubicle kaya't umihi ako at narinig ko ang dalawang magkaiba tinig na animo'y may ginagawang kababalaghan.
Pagkatapos ko umihi ay nandun pa rin ang 4 na paa sa unang cubicle.

Pansamantala akong natulala at muling nagulat ng ang pumalit saken na pumasok sa ikalawang cubicle ay sumilip sa ginagawa ng 2 individual na nasa una cubicle!

HULI KAYO!!! hindi ko alam kung Janitor ba si kuya sa CR ng mall o concern citizen lang din na gaya ko, ang kaibahan nga lang ay may kapal siya ng mukha na tingnan ang ginagawa ng dalawa sa loob.

Papalabas na ako sa palikuran na iyon ng biglang lumabas ang dalawang lalaki highschool student na nasa edad 12-15 years old at nagtatakbo papalabas din ng CR, marahil ay nahiya sila sa ginawa nila at natakot na baka mahuli at isumbong sa kanila mga magulang. Mula 4F ay dali dali silang nagtatakbo pababa sa GF upang makaiwas sa iskandalo sa mga tao.

Wala masyado nakapansin sa ginawa nila bukod sa akin at sa lalaking nakahuli sa kanila. At nang ikwento ko ito sa mga kaibigan ko ay nagulat sila at hindi makapaniwala na gagawin un ng 2 HS student na pawang may parehong kasarian.

Sa isip isip ko dala na rin ng kapusukan kaya iyo'n nagawa ng dalawa, maaaga silang namulat sa katotohanan at kung may kahihiyan pa sila nawa'y hindi na nila gawin un sa pampubliko palikuran.

Saturday, November 27, 2010

Oedipus Complex



BABALA! Ang Post na ito ay all about feelings and drama sa aking buhay!

Bata bata panu ka ginawa?!

Lumaki ako na nasa ibang bansa ang aking tatay, bata pa lang ako nag abroad na siya kaya ang naiwan na kasama ko sa bahay ang ate ko at ang aking mahal na ina, masasabi ko sa paglipas ng panahon ay naging mailap ang pakikitungo ko sa aking ama dahil na rin siguro hindi ko sya nakakasama, kulang ang pagsubaybay na ginagawa niya na pinupunan naman ng sobra ng aking ina.

Hanggang sa lumaki ako na hindi sya kapiling natutunan ko na lang na maging dependent sa aking ina, sya itong laging nagpapa-alala sa akin ng tama at mali, gumagabay sa mga dapat gawin sa buhay at patuloy na nag alaga nagmamahal ng sobra sa akin kaya siguro halos maging Mama's Boy na ako, bunso rin kasi ako kaya hindi un maiiwasan dalawa lang kasi kami ng Ate ko.

Napagtapos naman niya kami ni Ate sa kolehiyo,kaya nagpasalamat ako sa kanya kahit papaano naging ama siya sa amin, pero anu nga ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya sa ngayon? Galit? Sama ng Loob? o Poot?

Bakit?

Sagot!

Sumakabilang-bahay kasi siya in short may babae siya sa ibang bansa lalo nadagdagan ang inis ang galit na naramdaman ko sa kanya. Kung naging maayos lang siguro siya sa desisyon nya sa buhay marahil ngayon ay nag-aaral pa rin ako ng Medisina.

Pinangarap ko talaga maging doctor pero mukhang hindi na matuloy dahil sa babaeng un na sumira ng pamilya namin.


Anu nga ba ang Oedipus Complex?

(Paumanhin ngunit ito ay naksulat sa English mahirap kasi tagalugin hihi)

-Freudian term,drawn from the myth of Oedipus, designating attraction on the part of the child toward the parent of the opposite sex and rivalry and hostility toward the parent of its own. It occurs during the phallic stage of the psycho-sexual development of the personality, approximately years three to five.
-Resolution of the Oedipus complex is believed to occur by identification with the parent of the same sex and by the renunciation of sexual interest in the parent of the opposite sex. Freud considered this complex the cornerstone of the superego and the nucleus of all human relationships.

From: Columbia Encyclopedia.

Friday, November 26, 2010

When itchiness strikes!

I admit it nangati ako kanina hirap pigilan harhar.Galing ako SM Bacoor doon ako usually sumasakay ng bus pauwi sa amin. Habang nasa bus nag spot ako ng mga bekimon pero in a nice way naman tingin tingin lang sa mga pasahero pero wala ako masyado ma spotan, kaya nag soundtrip na lang ako katabi ang thundergads na bekimon noong una napatingin sya sken naamoy ata ako ng matanda haha pero hindi ko na lang sya pinansin.
Sakto pagtapat ng bus sa ISHRM nakasakay ko na naman ang na smell ko na HRM student maputi sya at pwede na rin may itsura naman lagi ko sya nakasabay pauwi pero kasabay din nya lagi ang classmate nya babae kaya I never had the chance to talk to him.Papalapit na ng palapit ang bus sa aking babaan hanggang na spotan ko ang factory worker na ito. May itsura sya at maputi dali ko ma attract sa maputi palibhasa moreno ako, patingin tingin din sya sa akin, hanggang sa umalis ang katabi nya sa upuan ay unti unti ako lumapit at tinabihan sya. Nagdalawa isip ako kausapin baka maya hindi nya ko pansinin hanggang sa bumaba ako hinintay ko talaga sya bumaba din para makausap pero may,
Sad Part:Nung lapitan ko na sya at kausapin sana nilabas nya ung cellphone nya samsung na slide-up at naka wall paper ang isang baby.Feeling ko may anak na sya kaya tinantanan ko si kuya at umuwi na lang ako haha. Ang kati kati kasi, sarap magpakamot!

Thursday, November 25, 2010

Who is Pluripotent Nurse?

1. ADHD- meron ako nyan,kulang ako sa attention kaya kung gusto mo ko mahalin kailangan handa ka na ibigay ang oras mo para lang hindi ako atakihin ng sakit ko kailangan ko ang methylphenidate of love mo.

2.SELOSO-tamang selos lang hindi naman ako mag selos ng basta basta.Wag ka lang magpakita ng rason para mag selos ako.

3.NAUGHTY-all the time?! joke! well napaka impokrito ko kung sabihin ko na hindi ako malibog pero sa tama oras tama lugar at tama tao ko lang ako pumapatol im not a stray dog mahirap na epidemic na ang HIV sa ngayon.

4.I DONT EAT ORGAN MEATS- INC kasi ako joke! wala lang di ko lang trip kumain ng isaw bopiz, adidas, dugo at kung anu anu pa mga laman loob nh hayop di mo ko mapakain nun kahit anu gawin mo. Plus the fact that i have Hyperuricemia bawal talaga!

5. I AM NOT A CHARITABLE INSTITUTION O ATM-WAG NA WAG MO LANG AKO GAWIN BANGKO DAHIL PAG DATING SA PERA PINAGHIRAPAN KO YAN MAY TRABAHO AKO AT KAW DAPAT MERON DIN!!! HINDI AKO NAKIPAGRELASYON PARA LANG MAGSUSTENTO SA PANGAILANGAN MO...

6.SENSITIVE o MOODY- ako sa marami bagay... mapag usapan natin to ... kaya ko naman mag adjust kung mag request ka lang ... I CAN CHANGE KUNG IPAKITA MO NA KARAPAT DAPAT KA SA PAGBAGO KO!!!

7. I HATE CIGARETTE, SMOKE AND ALCOHOL- kung smoker ka, at alcoholic better stay out of my sight dahil baka ndi lang kita matanya at masakal pa kita ... I really hate smokers! Kadiri ang usok na binubuga nyo!!!

8.ALLERGY- marami ako allergy lalo na sa dust at smoke kaya as much as possible ndi ako nasakay sa mga ndi airconditioned na bus ... kasi baka kailanganin ko ang Epi drip pag nagkataon lol ...

9. I PREFERRED PROFESSIONALS- super plus factor ang educational background para sakin,basta disente ka tingnan at may marangal na trabaho magkasundo tayo!!!

10.I EASILY FALL IN LOVE -matindi ako magmahal dahil binibigay ko lahat agad agad ...Madali ako ma attach sa isang tao na gusto ko na gustuhin din ako.

Wednesday, November 24, 2010

Total LOST!

For the second time around nawalan ako ng cellphone ang una ay noong 3rd year college ako habang nag duty sa DR/OR ng based hospital namin iniwan ko lang sa dressing room then all of a sudden paguwi ko nung umaga sa dorm wala na siya may nakakuha na.

Ang ikalawa naman ay kagabi lang, sa tricycle pauwi sa amin sa sobrang pagod at stress naging careless ako, hindi ko na alam kung saan ko nailagay ang Nokia C3 na company property pa. Wala sa plano ko ang pagkawala ng cp na un. Kung maibalik ko lang ang oras hayyy..

Monday, November 22, 2010

Si Adan at Eva laban sa HPV


Anu nga ba ang HPV?

Ang ibig sabihin ng HPV ay Human Papilloma Virus.

*Tinatayang may mahigit sa 100 HPV types.

*30-40 HPV types ang nag infect ng anogenital tract

*15-20 HPV types ay high risk types o tinatawag din oncogenic types (cancer-causing)

*10-15 HPV types ay low risk types o tinatawag din non-oncogenic types

Paano ba maiiwasan ang HPV?

Maiiwasan ito sa pamamagitan ng maraming paraan tulad ng paggamit ng condom, abstinence o di pakikipagtalik, pagiging tapat sa partner o monogamous relationship at ang pinaka sikat sa lahat ang pagpapabakuna laban sa HPV.

Anu bakuna laban sa HPV?

Sa ngayon 2 bakuna laban sa HPV ang meron sa Pilipinas ito ay ang GARDASIL (MSD) at CERVARIX (GSK).

Anu ang pagkakaiba ng 2 bakuna?

1.GARDASIL-kauna-unahang bakuna laban sa HPV infections ito ay may 4 na strains HPV 6/11/16/18 na tumutulong ma protektahan ang sinuman sa pagkakaroon ng Cervical Cancer,Vulvar Cancer, Vaginal Cancer, Genital Warts sa babae at Anal Cancer, Penile Cancer at Genital Warts sa Lalaki.

2.CERVARIX-pangalawa bakuna na inilabas sa ating bansa ito ay may 2 strains HPV 16/18 na tumutulong naman sa pag protekta laban sa Cervical Cancer lamang.

Sino ang pwede magpabakuna laban sa HPV?

Babae- 9-45 years old
Lalaki- 9-26 years old naman*

*Magtaka ka kung bakit kasama ang lalaki? Oo nung isang taon lang na approbahan ng BFAD ang indikasyon na ito sa Pilipinas. At isa tayo sa 3 bansa na may indikasyon para sa lalaki nauna sa US.

-Paalala GARDASIL lang ang HPV Vaccine na pwede ibigay para sa lalaki.

Para sa karagdagang impormasyon o katanungan laban sa HPV mangyari lamang na kumonsulta sa iyong doctor.

Sunday, November 21, 2010

AkO aNg SimuLa


Paano ito nabuo sa aking isipan?

Salamat kay Mykiru. Siya ang nagturo saken na mag blog, nakasama ko sya noon sa boarding house ni Tita Cleo sa Manila Times Village na malapit sa aking pinapasukan eskwelahan. Nung una medyo nailang ako sa kanya pero nagkapalagayan din kami ng loob tipong birds of the same feathers flock together ang eksena hihi...Kasama namin si Ashley Nicole isang self confessed gay na Engineering Student may itsura sya medyo halata nga lang at si Donna isang siyang babae Nursing Student naman na madalas namin kasama babaeng bading kumbaga.

At sa boarding house na un nabuo ang aming pagkaibigan at may mga pangyayari din na hindi maiwasan nagkaroon ng tampuhan at awayan sa loob ng isang bubong. Hanggang sa umalis na lang ako at lumipat ng ibang matuluyan nagpatuloy pa rin naman ang aming pagkakaibigan bigla ko sila naalala habang sinusulat ko an kwento ito.

Ipapagpatuloy ko na lang bukas...Abangan ang mga susunod na kabanata ng aking buhay.